Hi, Hi, i purchased yesterday Oct 4 sa physical store ng EO ng eyeglass. And upon checking and walking okay naman sya but iba yung tingin ko sa flooring parang sobrang lapit na feeling ko ang liit ng height ko and medyo malabo yung parang nagbblur paningin ko. I thought normal lang sya. Sinabi ko sa doctor pero sabi nya normal lang daw yun at sinabi ko rin na malabo ang tingin ko pero sabi nya baka daw malayo yung tinitingnan ko pero hindi naman. Hindi pinalitan yung grade ng lens. And ngayon buong araw tuwing suot ko yung salamin, sumasakit yung sintindo ng mata ko, both.
I think mali yung grade not until sinukat ko yung previous eyeglass ko from EO. And guess what? Mas malinaw ang tingin ko dun sa lenses ko sa old eyeglass ko.
Nanghihinayang ako kasi bago lang to, wala pang 2days.
I want to know and ask sana kung cover ng warranty ang lenses na mali ang grade na nagccause ng effect sa user ng eyeglass.
Sinabi rin nila na hindi nila makita yung record ko sa EO kaya hindi nacompare yung grade ko from before. Kung nacompare lang sana edi maayos ang eyeglass ko.
I hope pwede pa sya papalitan at cover din sya ng warranty. Nanghihinayang po talaga ako kung magpapapalit ako ng lens tapos may bayad pa eh wala pa syang 1week.
Looking forward po sa fast response nyo.
Thank you.